Yesterday, November 11, 2015, a few minutes after 5PM, habang naghahanda na kaming umalis ng opisina, ang isa sa aking mga lawyer-mates ay nakatanggap ng text message mula sa isang pulis na nagpagulat at nagpalungkot sa amin.
Na-ambush daw ang judge ng Branch 84 sa may Tikay at patay na ito. Omigod! Si Judge Nieves!
Si Atty. Leng, ang lawyer na naka-assigned sa Branch 84, ay tumawag sa mga staff ng Branch 84 para i-confirm ang news. At that moment, we were all hoping na sana hindi totoo ang balita, sana nagkamali lang ang nagbalita. Nung nakausap ni Leng ang ilang staff parang wala pa silang alam sa nangyari.
Hindi pa kami nakaalis sa office dahil sa pagka-shock, yun bang parang tumigil ang oras. Halo-halo ang emosyon sa dibdib ko—galit, takot, lungkot, panghihinayang, disbelief.
Nung bumaba na kami nang office papunta sa parking area, nakita namin ang ilang court staffs sa labas at ang iba doon ay mga staff ng Branch 84. Kinumpirma sa amin ng mga guards sa parking area na totoo ang balita–na-ambushed nga si Judge Nieves at patay na. Grabe yung pakiramdam.
On our way home, traffic na sa highway papuntang NLEX. Bago pa dumating sa office ng DPWH, halos hindi na gumagalaw ang mga sasakyan. Inabot pa nang halos dalawang oras bago kami nakalapit sa lugar kung saan may mga sasakyan ng pulis at ambulansya. Sa isang gilid, malapit sa stop light sa kanto papuntang industrial city, may isang dark gray Toyota Fortuner, nakabukas ang pinto sa driver seat, may nakalaylay na kamay. Lalong bumigat ang pakiramdam ko.
Hindi ko personal na kilala si Judge Nieves at hindi ko maalala kung sa buhay ko bilang abogada ay umappear na ang beauty ko sa Branch niya. Pero siyempre kilala ko siya at nakikita dito sa RTC. Kapag nasasalubong ko siya ay binabati ko nang “Good Morning Judge” or “Hello Judge” at sumasagot naman siya na nakangiti.
Pero kahit walang professional na attachment, ang bigat ng dating ng balita sa akin. Grabe talaga. I’m grieving and crying for justice!
I’m praying for the family of Judge Nieves, may the peace and comfort of our Lord be upon them in this difficult time. I’m also praying for safety and protection para sa lahat ng mga Judges sa Bulacan, lalong lalo na sa aking mga Judges na sina Hon. Zen Mendiola at Hon. Myrna Lagrosa. Kasama rin sa prayers ko ang aking ninong/uncle, Hon. Tranquil P. Salvador, mga kaibigan/schoolmates na sina Hon. Juliet Reyes at Hon. Camilo Oliva at lahat ng mga Judges/Justices sa buong Pilipinas!
Rest in Peace Honorable Judge Wilfredo T. Nieves.
GMA News and Inquirer reported the incident,to read the article, please click the link below:
http://newsinfo.inquirer.net/738759/judge-shot-dead-in-bulacan