Ang Mr. Ramyun ay isang Korean Fastfood/Grocery na matatagpuan sa Malolos City just near the so-called “crossing” area. Actually, nasa likod lang siya ng Chowking at katabi ng isang pawnshop.
Noong una ako nagpunta dito, yung Korean ice cream (binggrae) at Chilsung cider lang ang binili ko. After a while, nag-try kami nang mga lawyer-mates ko na mag dine-in and we ordered yung mga noodles (ramyeon) nila. May combo meals din (noodles at side dishes) tapos yung noodles pwede kang mamili ng ilalagay sa top.
Kapag isinerve na ang noodles nakalagay ito sa isang maliit na kaldero at may kimchi on the side. We also ordered kimbap, (you can choose kung plain, beef, tuna at cheese) at odeng.
Heto ang pics ng mga foodies na inorder namin:
Kapag umorder ka ng drinks, ikaw ang kukuha sa kanilang ref, so be honest 🙂 at nung kumuha ako nang Chilsung Cider may nakita akong mga bote nang Soju…aba aba aba
Dahil hindi naman ako ganoon kahilig sa mga Korean food, pasado na sa akin ang lasa nang food nila. Like na like ko yung kimchi kasi matamis ito at hindi masyadong maanghang. Bukod sa libreng wifi, very affordable ang presyo nang kanilang foodies.
Burpsog!
#koreanfastfood, #MrRamyunMalolos, #MrRamyun, #Koreanfood, #koreanfoodies