Nakakaloka ang nangyari sa coronation night ng Ms. Universe 2015 dahil sa pagkakamali ng host na si Steve Harvey. Pagkatapos niyang i-announced na ang nanalo ay si Ms. Columbia, Ariadna Gutierrez at naka-suot na dito ang korona, bigla siyang nagsalita na gusto daw niyang mag-apologize dahil ang first runner up daw ay ang Ms. Columbia at ang nanalong Ms. Universe ay ang Ms. Philippines na si Pia Alonzo Wurtzbach. Ipinakita pa niya sa camera ang result card kung saan nakasulat na 2nd runner up si Ms. USA, first runner up si Ms. Columbia at Ms. Universe nga si Ms. Philippines.

Super awkward ang moment dahil that time, nakasuot na kay Ms. Columbia ang sash at korona at mega-kaway na ito sa audience. Pero dahil hindi naman pala siya ang tunay na winner, inalis sa kanya ang korona at inilagay sa ulo ni Ms. Philippines!

Heto ang video nang nakakalokang moment:

Heto naman ang larawan kung saan inalis na ang korona mula sa ulo ni Ms. Columbia at inilipat kay Ms. Philippines.

ms u inalis korona

ms u philippines

Photo Source: The Daily Mail 

Congratulations Ms. Philippines. You made us all proud! Isang masayang Christmas gift ito para sa ating bansa! Thank you LORD!

ms universe 2015