Kanina, gumora ang beauty ko sa LTO Driver’s License Renewal Center na located sa SM Marilao, Bulacan. I arrived at around 8:15am at pagdating ko eh bukas na yung sa medical area kaya may-i-give na ako ng aking driver’s license sa girlaloo na nasa reception area. After a few minutes, nagtawag na sila nang mga applicants, syempre bayad muna nang P200.00 tapos pupunta sa isang lalaki/doctor na may ipapabasa sa iyong mga letters na nasa wall at pagkatapos ay tatanungin kung anong type nang driver’s license ang nirerenew mo. After mag-sign sa isang papel/log book, balik ka na ulit sa waiting area.
Habang naghihintay, napansin ko lang na almost 9AM na eh wala pa ring tao sa mismong LTO. Hindi ko tuloy alam kung 9AM ba ang pasok nila, o 10AM o baka flexi time. Mukha naman kasing walang nagbabantay sa kanila at wala rin silang biometrics o time card.
At around 9:10AM dumating ang isang babae na naka-jeans at white blouse, Jovy ang pangalan at yessss LTO employee. Thank GOD may dumating din, at least may mag-aasikaso na nang papeles namin. By that time, ang dami nang applicant for renewal. Pero kaloka ha ang tagal din naming naghintay dahil inevaluate pa ang mga application at may ita-tally pa daw sa resibo. Almost 10AM na rin dumating ang dalawang lalake na kasama ni Ms. Jovy. At take note, may dalawang lalake na dumating ng mga 930AM at mukhang special sila dun sa receptionist sa medical area dahil ilang beses silang tinawag at nauna pang i-process ang papers nila kesa sa amin. Talaga naman. (Sino si Ryan Ms. Receptionist? BF mo?)
After kuhanan ng picture, magbigay ng electronic signature at magbayad ng P418.00, nakuha ko ang aking official receipt. Okay naman daw yun makakapag-drive naman daw ako. Hindi pa daw available ang mismong Driver’s License Card at take note, after election pa daw makukuha….o diva naman….so efficient! ]
Natapos ko ang proseso nang 10:32AM……….wow!
Haaay…buhay pinay!
Una kong natikman ang mga foodies ng Nina’s Itikan sa kanilang branch sa Plaridel, Bulacan and nag-enjoy talaga ako sa masarap na foodies at syempre sa fried itik.
Kaya naman naging happy ako noong nagkaroon sila ng branch dito sa Sta Maria Bulacan. Heto ang mga foodies na inexperience ko sa Nina’s at talaga naman…sooo sarap!
Malinis ang restaurant. Masarap ang food. Affordable ang presyo.
Burpsog!
Ang Nina’s Itikan ay located sa By Pass Road, Sta Clara, Sta Maria, Bulacan