Finally, nakapag-member na rin ako sa Landers Superstore Balintawak!!!!
Hindi pala agad makukuha ang membership card pero may ibibigay na day pass or temporary card na magagamit para mag-grocery at makabili nang foodies sa superstore
Ang lawak ng superstore sa totoo lang. Ang dami nilang tinda 🙂 Okey din ang lay-out ng store at hindi mahirap gumalaw sa loob kahit may dala kang push cart.
Dahil nalibang na ang beauty ko sa pamimili, hindi na ako nakakakuha nang mga pictures sa loob except itong picture ng mga wine ice creams…
Siyempre hindi pwedeng umalis ng Landers ng hindi kumakain kaya inexperience namin ang mga foodies sa Landers Central
Sa totoo lang, maluwang at maayos ang kanilang dining area. Maraming chairs and tables at comfortable kang makakain ng foodies mo.
May condiments station din….
Self-service na unlimited drinks
May coffee shop
Bakeshop at rotisserie
Heto ang mga foodies na inexperience namin….
Medyo maalat yung chicken pero yung pizza ang sarap as in!
Here’s my unico hijo na nag-enjoy sa pizza…naka three slices ba naman!!! Takaw!
Enjoyed the experience and for sure babalik ako!!!
Landers Superstore Balintawak, August 2016
Got my membership card just last month….
ohh so oily and delicious!
@Kainan sa Pulo Restaurant, Km. 37. Pulong Buhangin, Sta Maria, Bulacan.
…..paminsan-minsan…..nakakatikim ng mga ganitong pagkain
Adobong paa nang manokÂ
Adobong Palaka
Nakaharap sa mga alalahanin….may agam-agam sa damdamin….may gulo sa isipan…..may takot na nararamdaman…..
Pero pinaghahawakan ko ang IYONG pangako….aking buhay na DIYOS….
Alam kong hindi MO ako pababayaan….
Sa IYO ako nagtitiwala…..
Nag-drive thru sa McDo and was told about a new product, ang banana pie delight…..buy-sung naman ako para matikman…..
Lasang-lasa ang banana essense o artificial banana flavor….medyo hindi ko feel….
Available for a limited time kaya if you want to experience it….gora na sa McDo!
Dahil nag-sale sa Lazada, nakabili ako nang dashboard cam for my Avanza…
Problema lang nung ikakabit ko na eh parang ayaw namang dumikit yung suction sa mirror. Hay…mukhang kailangan ko pang lagyan ng adhesive. Parang complicated din ang instructions dun sa manual.
Ang ginawa ko ay itinayo ko na lang muna sa dashboard at nagagamit ko naman yun nga lang may time na biglang nabubuwal kapag lumiko ako. I plan to bring Avie to an autoshop tapos magpapatulong ako para maikabit ng maayos ang dashboard cam.
Hopefully kapag naayos na I can share my dashboard cam videos here.
Thank you LORD!