I have a savings account at BDO Waltermart Santa Maria Branch. Hindi naman kalakihan ang laman, enough lang para mabigyan ako nang kulay green nilang rewards card. BDO din yung credit card ko (ipinadala sa akin kahit di naman ako nag-apply)
Before medyo kaya pang tiisin ang pagpila sa teller ng BDO kasi mahaba ang pila at talagang sasakit ang legs mo sa pagtayo. Lately, naglagay na sila nang upuan so naka-upo na habang naghihintay. Ganoon pa rin ang tagal ng waiting time. Bakit naman kasi alam na madaming tao eh 3 lang teller na on board.
Then ewan ko ba naman kung kaninong idea ang maglagay ng machine na itesh sa branch
Pipiliin mo sa screen kung ano ang transaction mo then may lalabas na number. When I arrived ang sineserve na number ay B198 tapos heto ang number ko..
Gusto ko na sanang mag-back out kaya lang kailangan ko din kasing mag-deposit sa account ko. I tried the deposit machine pero puro rejected yung bills ko. Ang ending naghintay ako nang tatlong oras. I arrived 2:51 pm tapos natawag number ko 6:02 pm. Grabe! Naubos at nasayang ang oras ko sa paghihintay. Nagkandatulog na nga ako sa upuan ko sa paghihintay kasi sumama na pakiramdam ko.
Sana naman gawan ng paraan ng BDO management ang sistema nila. Nauubos oras ng mga clients sa paghihintay. Tutal they find waste este ways naman daw…I hope gumawa naman sila nang paraan to ease the waiting time of their clients……