Baka Ang Kwento Ko Ay Kwento Mo Rin

Daily Archives: June 27, 2021

As per recommendation of my doctor, nagpa-schedule ako nang Treadmill Stress Test. Gusto yatang malaman ng doctor ko if okay pa ang heart ko after experiencing a break up…char!

My first appointment was cancelled and after waiting for almost two weeks, natuloy na rin ang test yesterday, June 26. When I told the staff na I will be using Maxicare, she instructed me to come early “kasi matagal po mag-approve ang Maxicare”. Ohh…..

So gumora ang beauty ko sa ospital ng mga 8:00 in the morning para marami pang time na mag-wait sa approval ng Maxicare since 10am ang appointment ko. After mag-fill up ng mga papers I was told na maghintay para sa approval. A few minutes later 🙂 the nurse told me na tinatanong daw ng Maxicare kung ano ang diagnosis at bakit kailangan kong mag-treadmill stress test. Told her na gusto lang ng doctor kong ma-check ang heart ko dahil nga na-diagnose ako na may diabetes and may time na tumataas ang aking blood pressure at part of general check up na rin. She told me na maupo na lang ulit sa waiting area and hintayin ang approval ng Maxicare.

Mga 15 minutes past 10 na in the morning nung nag-start magtawag ng patients. Nung tinawag ako para pumunta sa second floor ng hospital mga past 11 am na. Pagdating ko sa second floor pinaupo ako sa harap ng clinic and waiting pa rin ang peg kasi may patient pa sa loob. That time nag-pray ako while holding the plastic bag containing my extra shirt and towel. Kabado ang beauty ko.. After a few minutes lumabas na ang patient and then the doctor took my papers. Pagpasok sa loob he gave me a hospital gown and told me to go to the comfort room and remove my shirt and my bra (OMG!) and isuot ko daw ang floral green hospital gown.

So yun pagbalik ko sa kanya wearing the hospital gown na may biyak sa gitna (at ayaw pang mabuhol ang mga tali ever) he told me to sit in front of him para maipaliwanag niya kung ano ang mangyayari sa stress test. Told him hindi pa talaga ako nakagamit ng treadmill and I’m a lazy person na hindi mahilig sa exercise. In fairness maayos naman naipaliwanag sa akin ni Doc ang procedure. And he told me na ang goal ay pagurin talaga ako. Para lang daw ECG ang test kasi may ilalagay na mga electrodes sa aking chest para ma-record ang mga electrical signal from my heart. Ang difference lang daw sa ECG nakahiga ang patient pero dito nasa treadmill and the patient is moving. Ang embarassing or uncomfortable part lang is yung paglalagay ng electrodes/contraption sa aking chest at upper abdomen kasi di ba wala akong bra and although I know wala namang malisya si Doc, nahiya pa rin ang beauty ko. Hindi pa naman ako masyadong nakapag-scrub ng nipples para medyo pinkish ang look. Kaloka!

So after maikabit ang mga electrodes, pumunta na ako sa treadmill and yun na. Bruce protocol ang gagamitin which is a standard test sa ganitong procedure na bumibilis ang movement ng treadmill every three minutes. Noong una ay hindi maayos ang hakbang ko so tumabi sa akin si Doc at tinuro ang tamang galaw ng mga legs at paa. Jusko day sa unang mga segundo pa lang sumakit na ang mga legs ko. Pero sige lang need tapusin ang test. Medyo nakakaubos lang ng hininga lalo na nung bumilis na ang speed. Naka-face mask at faceshield pa ako while doing the test kaya mas lalong humirap huminga. Yung mga movement ng heart ko while moving sa treadmill ay nirerecord naman sa computer kung saan nakaconnect ang mga cable na nakakabit sa chest ko. Nung tinanong na ako ni Doc kung kaya ko pa, told him yes kaya pa. So tuloy lang ang pagbilis ng speed pero nung nagtanong na ulit si Doc told him “Doc last 2 minutes na lang”. So there unti unti nang bumagal ang speed and nung eventually nag-stop na ang treadmill, he gave me a chair and said maupo lang ako huwag gagalaw and take a deep breath. Ilang minuto din yun na nakaupo lang ako at nagpapahinga. After a few minutes he removed the electrodes na nakakabit sa chest ko. Nagbihis na rin ako after and waited for the results sa waiting area. ,

Ito yung mga nilagay sa chest ko na nilagyan ng tape. Diyan din inilagay yung mga electrodes/contraption na nakaconnect sa computer.

After ten minutes, inabot na niya sa akin ang result and heto siya

My check up ako sa July 7 and syempre ipapakita ko itesh sa aking doctor. I just hope okay naman ang result. I’m just happy na natapos na. Nakakapagod as in. Mukhang dapat na talaga akong mag-exercise at gamitin ang aking stationary bike na nakatambay lang sa room ko. Yung endurance ko talaga dapat medyo tumagal pa. Ang bilis kong napagod eh.

Thank you Dr. Mariño for all the help. Salamat din Maxicare 🙂

Treadmill stress test done….Thank you LORD!!!!



ATTYRALPH.COM

Dean Ralph Sarmiento's Official Blog

COLORFUL SISTERS

Traveling Fashion Designers 🌼

Fazhan Aziz

love.yourself.

Writing about...Writing

Some coffee, a keyboard and my soul! My first true friends!

inkbiotic

A mish mash of interesting words and snippets from the foolish disaster that is my life

Penelope Burns

Write | Blog | Create | Earn

This Beautiful Life

Find yourself, and be just that

"Seeds of Faith"

Christ-centered thoughts and studies

SHINE OF A LUCID BEING

Astral Lucid Music - Philosophy On Life, The Universe And Everything...

Cooking Without Limits

Food Photography & Recipes

RANT .. RANT.. RANT...

#life #love #experiences #travels #food #thoughts

Dr. Eric Perry’s Blog

Motivate | Inspire | Uplift

Becoming HIS Tapestry

Christian Lifestyle Blogger

Life in Japan and Beyond

stories and insights from Japan

Legal Notes

Not so comprehensive study of Philippine laws

Nighttime Worker. Fulltime Momma.

stories of victories, challenges and endless learning of a mom

Sporadic Thoughts

Random garbage from Shaun Andrews.

Gutom si Tupe

Not really a food review site. I just love to shoot food. Food Photography using Mobile Phone

CassBrion

Nangingisda sa Pamamagitan ng Pagsusulat..

Misis Mommy Maghapon

Thoughts and tales in life of a typical Pinay homemaker slash stay-at-home-mom

WordPress.com News

The latest news on WordPress.com and the WordPress community.

cat-og-raphy!

meowing my way to blogosphere!

Mans' Heart

To love life and see good days. (1Peter 3:10)