Baka Ang Kwento Ko Ay Kwento Mo Rin

Tag Archives: Filipino Blogger

Una kong natikman ang McGriddles sa Singapore. Isa itong breakfast sandwich sa McDonald’s na sa halip na bread bun ay griddle cake o pancake na may maple flavor ang ginamit. In fairlalooo, delisyoso ito.

And kanina habang nasa drive thru ng McDonald’s bigla akong tinanong ng crew kung gusto ko daw i-try ang bago nilang product, ang McGriddles. At ang reaction ko, “Omigosh! Really! May McGriddles na dito?!” (arte di ba!) So, syempre, may-i-order ang beauty ko. Sooo happy na finally nasa Pilipinas na ang McGriddles!

May tatlong variant ang McGriddles– Sausage (98 pesos with coffee) at sausage, egg at cheese (113 pesos with coffee).

For today, ito ang inorder ko, sausage, egg and cheese:

IMG_4533      IMG_4534   IMG_4535  IMG_4536

Unfortunately, available lang ang McGriddles for a limited time during breakfast hours at selected McDonald’s Philippines’ outlet. Mabuti na lang available sa mga McDonald’s stores dito sa Malolos City.

Try niyo na ito mga ka-blog….sooo delicious!

Masawap na umaga! Paparapapa!

#McDonaldsMcGriddles, #McGriddles, #positivevibes, #lovekoto, #McDo


Dahil sa road repair and unpredictable traffic sa aking mahal na bayan ng Santa Maria, maaga akong umalis ng bahay para hindi ma-stress sa daan at para hindi rin ma-late sa office.

Pero infairlaloo, pagdating ko sa intersection near PTT gas station, bongga, walang traffic! Nagkaroon lang ng konting build-up sa may road near the entrance ng NLEX. Ang dami kasing truck, mga pasaway na PUJ at passenger buses na ginawa nang terminal at parking space ang gilid ng daan.

Wala pang 7am nasa NLEX na ako at dahil maaga pa, nagdecide akong mag-breakfast sa bagong bukas na McDonald’s Malolos Arch sa Barangay Tikay as in pagkalampas ng “Welcome Arch” makikita mo na agad.  Dapat mag-da-drive thru ako pero dahil maaga pa naman, nagdecide ako na doon na lang kumain. Since nasa area na ako near the drive thru entrance, sa likod na parking na ako nag-park.

Heto ang inorder ko:

IMG_1694

IMG_1695

After lumafang, pumunta na ako sa parking areat at on my way sa parking lot, nakaamoy ako nang oh-not-so-good na smell, para siyang tabako na nasusunog na parang may matamis na sunog na scent. Sa totoo lang, nahilo ang beauty ko sa amoy. Noon ko lang napansin na sa likod pala ng McDo ay ang Mighty Corporation na isang factory ng sigarilyo. Omigulay! Kaya naman pala nahilo ang beauty ko.

Nag-stay pa ako ng konti sa loob ng aking Avanza, nag-pray at nag-smell ng white flower. Noong medyo nabawasan na ang hilo ko, saka lang ako gumora na papuntang office.

Thank God naging maayos naman ang travel ko. What a morning!


Kanina habang nag-da-drive ako papasok ng opisina, makulimlim ang panahon na may kasama pang ambon. Tapos,  biglang bumulaga sa akin…..mula sa kalangitan…….RAINBOW!!!!!

IMG_4422

Sa totoo lang, there’s something about rainbows na nakakapag-pagaan ng loob ko. Pakiramdam ko si GOD yun at nakangiti Siya sa akin.

IMG_4423

At kahit may ambon kanina, kitang-kita pa rin ang mga kulay ng bahaghari, nagpapaalala sa akin na nandiyan lang Siya, nakatingin, nagmamahal, nakaalalay.

Thank you LORD for smiling at me this morning. Thank you for reminding me na nandiyan Ka lang kahit ano pang bagyo at ulan ang daanan ko, hindi mo ako pababayaan at hindi mo ako iiwan kahit minsan man.

Kaka-in-love ka talaga my Lord and my savior!

download (3)

download (4)

#positivevibes, #iloveGod, #positivity

 


Hindi naman masamang makisabay sa mga bagong technology sa ating panahon. Hindi mali na magkaroon ng mga top of the line gadgets. Hindi rin masama na maging aktibo sa social media.

Pero may mga bagay na mas mahalaga dito…

Please watch this video so you will understand what I mean….

Mga ka-blog, sometimes, we have to disconnect from technology and make the proper connections….


Dahil laging nagmamadali sa umaga, sa office na ako madalas nagbe-breakfast. Kapag hindi nakapag-drive thru, sa food court na malapit sa aking office ako bumibili ng rice at ulam tapos ilalagay ko lang sa aking paboritong mangkok at sasamahan ng itlog…solve na!

my food bowl

 Thank you LORD!


543854-Cup-of-green-tea-and-tea-leaves-with-dry-jasmin-Stock-Photo

A group of elderly, cultured gentlemen met often to exchange wisdom and drink tea. Each host tried to find the finest and most costly varieties, to create exotic blends that would arouse the admiration of his guests. When the most venerable and respected of the group entertained, he served his tea with unprecedented ceremony, measuring the leaves from a golden box. The assembled epicures praised this exquisite tea. The host smiled and said, “The tea you have found so delightful is the same tea our peasants drink. I hope it will be a reminder to all that the good things in life are not necessarily the rarest or the most costly.

Source: Morris Mandel in Jewish Press.

 


glassdown

How heavy is this glass of water? The answer will surprise you.

A psychologist walked around a room while teaching stress management to an audience. As she raised a glass of water, everyone expected they’d be asked the “half empty or half full” question. Instead, with a smile on her face, she inquired: “How heavy is this glass of water?”

Answers called out ranged from 8 oz. to 20 oz.

She replied, “The absolute weight doesn’t matter. It depends on how long I hold it. If I hold it for a minute, it’s not a problem. If I hold it for an hour, I’ll have an ache in my arm. If I hold it for a day, my arm will feel numb and paralyzed. In each case, the weight of the glass doesn’t change, but the longer I hold it, the heavier it becomes.”

She continued, “The stresses and worries in life are like that glass of water. Think about them for a while and nothing happens. Think about them a bit longer and they begin to hurt. And if you think about them all day long, you will feel paralyzed – incapable of doing anything.”

Remember to put the glass down.

Source: This post on Facebook


Yesterday afternoon, ilang minuto bago mag-5pm, isang galit na galit na girlaloo ang biglang pumasok sa aming office at pasigaw na nagtanong, “sinong nag-assist dito?” pointing to a man na naka-posas. She’s referring to a respondent na dinala pala sa office naman para sa waiver of rights under Article 125 ng Revised Penal Code. Sa unang tingin pa lang alam mo nang the man is of unsound mind. Ang isa sa aking mga kasamahang lawyer ang nagsalita at nag-explain about it at sinabi na mukhang may problema nga sa isip ang respondent dahil hindi nito maintindihan ang kanyang pinapaliwanag . Take note, sa kabila ng pagsigaw niya sa amin, polite na polite ang kasamahan kong lawyer sa pag-e-explain sa kanya. Kaso, sumigaw na naman ang girlaloo, “Eh matino ito noong kausap ko eh”, with matching lisik ng mata. So yung isang lawyer na kasamahan ko ang nagsabi nang “Miss, kausapin niyo na lang po ang hepe namin” at pataray namang sumagot ang girlaloo, “”Hindi ako Miss, ako si Fiscal (toot toot)” At dire-diretso na syang pumasok sa office nang aming hepe at may-i-talak doon. Nung tinanong siya ng hepe namin nang “Sino po sila?” aba aba may-i-show siya nang logo ng DOJ sa kanyang shirt. Kalurkey!

Ang nangyari pala noong dinala nang pulis ang respondent sa office, ang sabi ng pulis, i-assist daw ang respondent at papirmahin sa refuse to sign waiver dahil may problema nga daw sa pag-iisip. So kinausap ang respondent at noong naging apparent na he’s of unsound mind, hindi na siya inasistihan na mag-waiver o sa refuse to sign waiver ek ek ek. Ang trabaho kasi namin eh ipaliwanag sa  respondent ang kanyang mga karapatan at hindi pilitin silang mag-refuse to sign waiver lalo na nga at hindi naman niya naiintindihan ang mga ipinapaliwanag sa kanya.

Pagkatapos kausapin ang aming hepe, lumabas siya ng office ng hepe at pasigaw na tinawag ang police officer na escort ng respondent, “Officer dalhin mo na yan, ipasok mo dito”. At noong nasa loob na ang respondent at kinakausap ng aming boss, ang girlaloo na fiscal pala ay nakapamewang sa may main door ng aming opisina, poker face at nakatingin sa amin sa loob. Yung isang staff namin offered her a seat at pataray syang sumagot “Okey na ako dito, gusto ko na kasing matapos yan, 5:05 na eh”, habang nakapa-mewang pa rin at mataray na nakatingin sa amin.

Buti naman at pagkatapos kausapin ng aming hepe ang respondent at bago siya umalis ay nag-thank you naman siya sa hepe.

I was told na dati palang Associate Prosecution Attorney (APA) siya na ngayon ay assistant state prosecutor na at once a week ay nag-du-duty sa fiscal’s office dito. Eh kaya naman pala her name doesn’t ring a bell. Hindi namin siya kilala.

Okay, sige, yan ang posisyon niya sa DOJ, but that doesn’t give her the right na basta na lang pumasok sa office namin at magtataray. Kung gusto niyang magtanong re: sa iniimbestigahan niyang reklamo at tungkol sa respondent, pwede namang sabihin yun in a nice way. Marami akong kilalang fiscal na kapag nagpupunta sa office, kita kitang mo ang professionalism, ang good manners, kagalang-galang ika nga. Pero this girlaloo, naloka talaga ako. Feeling ba niya inferior kami sa kanya hellooooooooooooooooooooooooooo!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

Pinapalabas din yata niya na hindi namin inassist ang respondent, jusko ha, sino siya para husgahan kami. Alamin muna kasi ang facts bago susugod at magtataray. At sabi daw ng police officer eh ayaw ibigay ng opisina ang pangalan ng lawyer na nag-assist at naniwala naman siya without confirming from us? Omigulay!

Now, nalaman namin na ang pinalalabas pala ni girlaloo sa office niya ay gusto lang daw niyang malaman kung sino ang nag-assist at kung ayaw mag-sign ng waiver ay ilagay lang sa form na hindi pinapirma dahil hindi naiintindihan. Hello!!! Ang fake fake niya! Hindi yan ang sinabi niya when she barged into our office. Ang gusto talaga niya eh i-assist for waiver ang respondent.

I just hope lang na ma-realize niya na mali ang ginawa niya. Konting respeto lang naman po. Sa ginawa niya hindi lang naman kami ang binastos niya kundi pati na rin ang aming opisina. Nakakaloka talaga siya!

Da who itesh ang fiscal na naging ballistic sa aming office?

Ay huwag na lang at baka ipa-aresto ako sa pulis. Takot din ako sa hirenggilya kaya i-zip ko na lang ang red lips ko!

kalurkey



ATTYRALPH.COM

Dean Ralph Sarmiento's Official Blog

COLORFUL SISTERS

Traveling Fashion Designers 🌼

Fazhan Aziz

love.yourself.

Writing about...Writing

Some coffee, a keyboard and my soul! My first true friends!

inkbiotic

A mish mash of interesting words and snippets from the foolish disaster that is my life

Penelope Burns

Write | Blog | Create | Earn

This Beautiful Life

Find yourself, and be just that

"Seeds of Faith"

Christ-centered thoughts and studies

SHINE OF A LUCID BEING

Astral Lucid Music - Philosophy On Life, The Universe And Everything...

Cooking Without Limits

Food Photography & Recipes

RANT .. RANT.. RANT...

#life #love #experiences #travels #food #thoughts

Dr. Eric Perry’s Blog

Motivate | Inspire | Uplift

Becoming HIS Tapestry

Christian Lifestyle Blogger

Life in Japan and Beyond

stories and insights from Japan

Legal Notes

Not so comprehensive study of Philippine laws

Nighttime Worker. Fulltime Momma.

stories of victories, challenges and endless learning of a mom

Sporadic Thoughts

Random garbage from Shaun Andrews.

Gutom si Tupe

Not really a food review site. I just love to shoot food. Food Photography using Mobile Phone

CassBrion

Nangingisda sa Pamamagitan ng Pagsusulat..

Misis Mommy Maghapon

Thoughts and tales in life of a typical Pinay homemaker slash stay-at-home-mom

WordPress.com News

The latest news on WordPress.com and the WordPress community.

cat-og-raphy!

meowing my way to blogosphere!

Mans' Heart

To love life and see good days. (1Peter 3:10)