Finally, nakapag-member na rin ako sa Landers Superstore Balintawak!!!!
Hindi pala agad makukuha ang membership card pero may ibibigay na day pass or temporary card na magagamit para mag-grocery at makabili nang foodies sa superstore
Ang lawak ng superstore sa totoo lang. Ang dami nilang tinda 🙂 Okey din ang lay-out ng store at hindi mahirap gumalaw sa loob kahit may dala kang push cart.
Dahil nalibang na ang beauty ko sa pamimili, hindi na ako nakakakuha nang mga pictures sa loob except itong picture ng mga wine ice creams…
Siyempre hindi pwedeng umalis ng Landers ng hindi kumakain kaya inexperience namin ang mga foodies sa Landers Central
Sa totoo lang, maluwang at maayos ang kanilang dining area. Maraming chairs and tables at comfortable kang makakain ng foodies mo.
May condiments station din….
Self-service na unlimited drinks
May coffee shop
Bakeshop at rotisserie
Heto ang mga foodies na inexperience namin….
Medyo maalat yung chicken pero yung pizza ang sarap as in!
Here’s my unico hijo na nag-enjoy sa pizza…naka three slices ba naman!!! Takaw!
Enjoyed the experience and for sure babalik ako!!!
Landers Superstore Balintawak, August 2016
Got my membership card just last month….