Dahil sa road repair and unpredictable traffic sa aking mahal na bayan ng Santa Maria, maaga akong umalis ng bahay para hindi ma-stress sa daan at para hindi rin ma-late sa office.
Pero infairlaloo, pagdating ko sa intersection near PTT gas station, bongga, walang traffic! Nagkaroon lang ng konting build-up sa may road near the entrance ng NLEX. Ang dami kasing truck, mga pasaway na PUJ at passenger buses na ginawa nang terminal at parking space ang gilid ng daan.
Wala pang 7am nasa NLEX na ako at dahil maaga pa, nagdecide akong mag-breakfast sa bagong bukas na McDonald’s Malolos Arch sa Barangay Tikay as in pagkalampas ng “Welcome Arch” makikita mo na agad. Dapat mag-da-drive thru ako pero dahil maaga pa naman, nagdecide ako na doon na lang kumain. Since nasa area na ako near the drive thru entrance, sa likod na parking na ako nag-park.
Heto ang inorder ko:
After lumafang, pumunta na ako sa parking areat at on my way sa parking lot, nakaamoy ako nang oh-not-so-good na smell, para siyang tabako na nasusunog na parang may matamis na sunog na scent. Sa totoo lang, nahilo ang beauty ko sa amoy. Noon ko lang napansin na sa likod pala ng McDo ay ang Mighty Corporation na isang factory ng sigarilyo. Omigulay! Kaya naman pala nahilo ang beauty ko.
Nag-stay pa ako ng konti sa loob ng aking Avanza, nag-pray at nag-smell ng white flower. Noong medyo nabawasan na ang hilo ko, saka lang ako gumora na papuntang office.
Thank God naging maayos naman ang travel ko. What a morning!