Isa sa mga paborito kong restaurant sa Santa Maria Bulacan ang Mom’s Place. Bukod sa masarap ang foodies, affordable ang presyo, malaki ang servings at malinis ang lugar.
“Cook to order” ang peg dito kaya medyo waiting ang beauty mo sa foodies. Pero kapag natikman mo naman ayayay sulit ang paghihintay.
During our first visit, heto ang mga foodies na inexperience namin:
Pork Sisig: Served really hot (kita naman sa pic umuusok pa) Hindi nakakaumay, crispy at perfect ang timpla. P140.00
Sinigang na Bulig sa Bayabas: This one is oh-so-sarap! Real bayabas ang ginamit kaya kuhang-kuha yung old fashioned home cooking na kinalakihan ko. Malaki din yung bulig kaya super nakakabusog tapos may sitaw pa at patola. I love it! P180.00
Seafood Kare-Kare: Tamang-tama lang ang pinaghalong tamis at alat. P250.00
Sizzling Balut: Sinfully delicious! (At mahilig talaga ako sa balot!) P120.00
Syempre bumalik kami at eto naman ang mga foodies:
On our recent visit, hindi available ang sinigang na bulig sa bayabas kaya sinigang na lang sa sampalok ang inorder namin…as usual nag-enjoy kami to the max!
Sinigang na Bulig sa Sampalok: Tamang tama ang asim-tamis. Sooo sarap! P150.00
Sizzling Balut: Paborito eh! P120.00
Sizzling Pork Sisig: P140.00
Heto ang menu at prices:
Ang Mom’s Place ay located sa Barangay Mahabang Parang, Santa Maria, Bulacan.
Burpsog!