It rained last night kaya ang mga kapitbahay kong super hilig magpaputok eh hindi masyadong nagawa ang kanilang hilig. Yung iba na hindi nailatag ang kanilang sinturon ni Hudas sa kalsada eh nagkasya na lang sa pagtorotot at pagkanta ng malakas sa videoke.
Dito sa bahay, simple lang ang celebration. Nag-pray ng sama-sama at pagkatapos ay nag-enjoy sa aming simpleng handa. Hindi naman kailangang super bongga eh, ang importante magkakasama at masaya.