Yesterday night, habang nagda-drive ako pauwi, muntik na akong salpukin ng dalawang sasakyan na pilit sumisingit at ewan ko ba naman kung bakit super nagmamadali eh obvious namang traffic sa kahabaan ng Fortunato Halili Avenue, Turo, Bocaue, Bulacan (yung road pagkalabas ng Bocaue NLEX Exit going towards Sta Maria, Bulacan)
Ang nauna eh itong white Montero na may plate number WMO 892…nag-cut at biglang nag-swerve sa front ko na hind man lang nagsi-signal na liliko siya buti na lang at hindi ko pa inaalis ang paa ko sa brakes kung hindi….haay grabe!
After that akala ko smooth driving na aba eh nung malapit na ako sa Shell gasoline station eh isa namang bronze mica Toyota Innova na may plate number PSQ 740 ang nagmamadaling nag-swerve sa harap ko at kung hindi ako nag-preno eh natamaan niya ako. Binusinahan ko pero deadma ang driver. Haay grabe!
Soooobrang reckless niyo naman! Drive safely uy!