Buti na lang maaga akong umalis ng bahay papasok ng work, pagdating ko kasi sa may Malolos Arch (boundary ng Malolos City at Guiguinto, Bulacan) traffic na agad ang sumalubong sa akin.
Ilang minuto din ang inabot bago ako nakaalis sa lugar and ang reason pala ng traffic ay ang banggaan ng isang black na Lancer at white Avanza.
Akala ko smooth driving na pero approaching the Malolos flyover traffic na naman….at heto ang reason
May ek ek ek na driver ng truck na inakyat/idinaan ang vehicle sa flyover at ang ending sumabit siya dun sa sign na may nakalagay na “vertical clearance”” Ang resulta, closed ang flyover at nagsisiksikan ang mga sasakyan sa ibaba. Kaloka!
Buti na lang at hindi ako na-late in time para sa flag raising ceremony. Thank you LORD.