Nakakaaliw kumain dito sa Genki Sushi.
Para umorder ng pagkain, may touch screen menu board at ikaw ang pipili nang oorderin mong food (malalaman mo na rin agad ang bill mo). At pag okay na ang order mo, ang mag-de-deliver sa table mo ay mga miniature race cars na dadaan sa isang conveyor belt tapos biglang mag-stop sa tapat ng table ninyo and yun na……getsing mo na ang order mo! Then may i-pe-press kang button para magbalik ang miniature car sa kitchen!
Bukod pa dyan, masarap ang mga foodies at authentic ang lasa ng kanilang matcha tea. Medyo naka-chikahan ko yung manager ng restaurant and she told me na most of the ingredients ng foodies ay galing pa sa Japan. Bongga! Well, medyo pricey ng konti ang presyo ng foodies pero sulit naman sa lasa at experience!!! 🙂
Genki Sushi, SM North EDSA, Quezon City