I love takoyaki! Super paborito ko ito at kapag may cravings ako, pumupunta pa ako sa Shell NLEX para bumili sa Octoboy.
So, noong nakita ko na may nagbukas na TK Takoyaki kiosk sa Waltermart Sta Maria, natuwa ako kasi malapit na lang ang pupuntahan ko kapag gusto kong kumain ng takoyaki.
Dahil bago nga ang kiosk madami laging tao sa harap ng tindahan nila. So, mga ilang days yung pinalampas ko bago ako nag-decide na tikman ang takoyaki nila. And kagabi, July 30, 2015, dahil walang masyadong bumibili, gumora ang beauty ko sa harap ng kiosk at nagsabi nang “2 orders nga take out”. Sumagot naman ang tinderang nakadilaw ng “pakipila lang po” kaya nagtanong ako kung saan ang pila, itinuro niya ako sa may gilid na malapit sa nagluluto ng takoyaki. Pumunta naman ang beauty ko at nagsabi na may order akong 2 na take-out.
Ang siste, habang nandoon ako sa gilid at “nakapila” aba eh hindi ako pinapansin ng girlash na inoorderan ko and worst nagdatingan na ang ibang customers na pumuwesto sa harapan ng kiosk at sila ang binibigyan ng order samantalang nauna ako sa kanila. At ang tinderang nagsabi sa akin na pumila ako sa gilid, aba, aba eh biglang hindi na ako pinansin at ang inatupag eh mag-make up.
Dumami na ang tao at napansin ko na hindi pa ibinibigay ang order ko. Nagtanong na ako kung saan ba talaga ng pila dahil matagal na akong naghihintay ng order ko, sumagot ang isang tindera na doon daw sa harapan. Omigulay! Eh di ba nga pinaalis ako doon sa harapan dahil pumila daw ako sa gilid? Wow! Walang sistema ang mga girlash na ito!
Napika ang beauty ko. Ang nakakaloka pa, habang nagtatanong ako at nagsasabi about my order deadma lang ang tatlong tindera at wala yatang planong bentahan ako ng kanilang takoyaki. After waiting for almost 45 minutes, na walang pumapansin at yung ibang customers na bago lang dumating ang ine-entertain, I was thinking, mukha ba akong walang pambili ng P28 per order nilang takoyaki? o sadyang deadma lang sila sa mga nagrereklamong customers? hindi ba nila ipinapatupad ang first come-first serve dito? at may pila ba talaga o kanya kanyang sigaw at unahan sa pagbili ng takoyaki?
Nag-decide na akong umalis sa sobrang inis at frustration. I can’t believe na sa kagustuhan kong makakain ng takoyaki eh masisira lang pala ang gabi ko.
Calling the management of TK Takoyaki, ayusin ninyo naman ang pagbebenta ninyo nang inyong product. Please train your tinderas to be courteous at turuan ninyo sila how to handle complaints and please lang, kung may pila at linya nga para sa mga customers, gawing klaro kung saan ba talaga pipila. I notice din na walang cash register o cashier at wala ring ini-issue na receipts? bakit? and gawing claro sana paano ba ang pagbili, magbabayad ba muna? o oorder muna? sino ang kukuha ng order?
Haay…i just hope lang na next time na mag-attempt akong bumili ng takoyaki sa inyo eh hindi na maimbyerna ang beauty ko! Nakakawalang gana! Takoyakinis!