You are the source of everything I have
You are bigger than my financial obligations
You will provide…on time…
Thank you my all-sufficient GOD
Lunes na naman so ang aga kong gumising para mag-ready na sa bagong work week. After taking Buah Merah Mix Juice (2 bottle caps), nag-pray at nagbasa ako ng Our Daily Bread. Tapos, I had a cup of ONA Coffee habang nakikinig sa 702 DZAS. Pagkatapos mag-shower at mag-bihis, nilagay ko na ang mga gamit ko kay Avie at wala pang 6:30 in the morning, gumora na ako papasok ng opisina.
Hindi naman ako masyadong na-traffic sa ginagawang road near our place so I thought smooth na ang aking travel. Pagdating ko nang Sta Clara intersection near Waltermart, I turned left at boom…traffic na. Ang bagal ng galaw as in tapos ang mga tricycles super counterflow. Kainis.
Pagdating sa road near the Public Market, nag-turn right ako sa road na ang lalabasan ay sa may Pandayan Bookstore tapos right ulit papunta na sa Municipal Hall then sa Sta Maria Bridge na normal ko nang ruta tuwing papasok sa office.
Doon na nagsimula ang kakaibang traffic as in halos din na gumagalaw. Pagkaliko ko pa lang sa road near the Public Market traffic na. Noong malapit na ako sa may Pandayan at papaliko na going to the Sta Maria bridge I saw a traffic enforcer and naisip ko, kaya pala traffic he he he.
Anyway, pagkaliko ko going to the bridge, grabe, super slow moving na. May mga traffic enforcer akong nakita pero walang nagbigay ng advisory na may aberya pala sa road going to NLEX kaya parang pagong ang usad ng mga sasakyan.
Pagdating sa by-pass road fronting Sanders Feeds sa Bagbaguin, totally naka-stop na ang mga sasakyan. Almost 20 minutes na walang galawan. When the vehicles in front of Avie ay nagsimula nang gumalaw at nagma-ne-obra para umalis na sa lugar, nag-decide na akong sumunod.
Iniisip kong dumaan sa may road papasok sa Ciudad de Victoria ng INC, pwede kasi akong lumabas doon sa highway going to NLEX pero maliit ang road na iyon at one way lang. Inisip ko ring bumalik sa Poblacion at sa Sta Clara road dumaan going to Lalakhan then Bocaue tapos MacArthur Highway pero mata-traffic naman ako sa may bridge.
Eventually, nag-decide na akong mag-drive papuntang Marilao exit. Pero pagdating sa Barangay Mahabang Parang, ohmigulay, traffic din. As in traffic at clogged din sa Marilao, yung road going to NLEX. Na-trapped na ako at nawalan na nang choice kundi maghintay.
Napasigaw na lang ako nag Thank You LORD nung finally nakapasok na ako ng NLEX at naging smooth na ang travel ko hanggang makarating ng Tabang Exit.
Dumating ako sa office ng 9:01 AM.. one hour and one minute late. Kaloka. Nung nasa office na ako I got a text from my baby boy na na-traffic din pala at sinabi niya sa akin na may nasiraan daw na malaking truck sa may Turo, Bocaue, sa road leading to NLEX.
Ang nakakaloka lang may ganito na palang aberya eh wala man lang mag-abiso sa mga motorista para at least makahanap na agad ng alternate route.
I still thank and praise the LORD dahil sa kabila nang stressful day na ito…na-survive ko naman with His help and guidance.