Madaling araw at madilim pa noong dumating kami sa San Antonio Zambales. Pagkatapos i-meet si Kuya Akong ( ang aming contact sa aming Zambales adventure) ipinarada ko na si Avie sa gilid ng kanyang bahay at naglakad na kami papuntang sakayan ng motor boat na maghahatid sa amin sa Anawangin Cove.
Nag-aagaw na ang dilim at liwanag noong nakarating kami sa Pundaquit para sumakay ng bangka.
Bago pumunta sa Anawangin, binisita muna namin ang mga isla nang Camara at Capones.
Napansin ko lang na ang pinong buhangin sa isla nang Camara ay kulay light brown, samantalang sa Capones naman ay kulay itim.
Dahil sa ganda nang mga isla napa-emote ang beauty ko. (At nag-wish na sana ay kasama ko siya. Echos!)
Pasikat na ang haring araw ng lisanin namin ang Capones Island para maglayag papuntang Anawangin Cove
#pasyalmode #familymatters #zambales #capones #camara #travelpamore