Halos umaga na nang makarating kami sa Anawangin Cove. We were told na walang electricity sa lugar at wala ring mobile signal but sa halip na malungkot na-excite ako and I took it na parang challenge sa sarili ko—na kaya ko bang walang Facebook, walang wifi nang ilang araw.
So heto kami….dumating sa Anawangin na puno nang excitement
Bago tuluyang makapasok sa cove, kailangang magbayad ng environmental fee. P50.00 per person kung day time at P100.00 per person kung overnight. Pwede ka ring mag-rent ng tent for P400.00 or mag stay sa cottages for P350.00 overnight o sa mga kubo for P2,500 (overnight).
Heto naman ang Anawangin…….mula sa pampang ng dagat
Eto na agad ang sumalubong sa amin—-pino at mainit-init na puting buhangin…….
Para makarating sa camping site, kailangang dumaan sa tulay na ito and sa totoo lang medyo natakot ang beauty ko. Pero na-survive ko naman.
Madami nang naka-set up na tent noong dumating kami sa camp site. Na-amaze ako sa ganda at laki nang lugar. Ang dami ding agoho pine trees sa area na nagsisilbing panangga sa araw.
Ang next challenge ay ang paghahanap ng place kung saan namin itatayo ang aming tent. Actually isang tent lang ang dala namin and we rented one more tent sa aming guide na si Kuya Akong.
When we finally found a nice spot, at nagsimula na kaming mag-set up ng tent, biglang eto ang nakita namin…
Hayayay! Snake skin! Hunos ng ahas…..ibig sabihin may snakey sa area na iyon. Eh paano kung bumalik?? So scary! We have no choice but to look for another spot. After almost five minutes of walking we found a good one near the bridge and sa side ng lagoon.
Good thing may mga comfort rooms at shower rooms sa area. May washing area din na pwedeng gamitin para maghugas ng mga gamit at pagkain. Yun nga lang medyo pahirapan ang tubig and may time na kailangan mong mag-igib.
Bukod sa dala naming bigas, tubig at mga canned goods, nakabili kami ng fresh squid sa Pundaquit na inihaw namin sa Anawangin. Solb ang first meal sa cove!
Dahil nagsimula nang dumilim sa area, naghanda na kami para magpahinga. Pagkatapos naming ligpitin ang aming mga gamit at itapon ang mga kalat sa mga designated/segregated trash cans, pumasok na kami sa aming mga tent para mag-rest.
Yehey! Bagama’t mahirap at nakakapanibago, na-survive ko ang aking unang araw sa Anawangin! Thank you LORD!
….hoping and praying for the best
….everything will fall in their proper places….in God’s perfect time
…..for now….try to be positive….trust GOD and be happy!